Bad day turned to be good :)
Ang aga kong nagising kanina, 8am yata.
Usually kasi tanghali na kasi summer naman, so pagbigyan na.
Kaya maaga, kasi nanuod ako ng AI.
Suportado ako kay Jessica Sanchez e.
Badtrip ako the whole morning dahil ‘dun.
Weird? Yeah.. haha.
Pero kasi ang laki ng sinacrifice ko ‘dun.
Maaga ako nagising, madalas pa ko magtext nun sa mga kamag-anak ko sa US for her.
E kaso.. Ganun talaga buhay. Gwapo si Philip Philips e. XD
Then.. natulog ulit ako.
Tapos nagri-ring yung phone ko daw.
Wynona (my sister) took the call. It was dad.
Tanggap daw ako sa UST.
Super saya ko nung sinabi yun ng kapatid ko.
To think kasi na late na akong magparecon. Yung letter ko pa is hand-written kasi dun na ko nagsulat.
Tsaka nung nakikipag-usap kami sa tao dun sa Archi bldg. e parang wala na talagang pag-asa. Nagpa-enroll na nga ako sa Adamson kasi akala ko wala na talaga.
Pero still napili ako ng UST. :)) Kaya super happy and thankful ako.
#MasayaAko. God Speed! Keep smilin’ :) ♥









